|
Kay hirap ng buhay dito sa kaingin
|
|
Sa maghapo'y pagod sa ating gawain
|
|
At maging sa gabi'y di ka patulugin
|
|
Sa bigat ng ating mga suliranin.
|
|
|
Masukal na gubat matapos hawanin
|
|
Malalaking kahoy maihapay natin
|
|
Ang palay at ahoy ating itatanim
|
|
Upang may makain ang pamilya natin.
|
|
|
Ngunit ano itong gawa ng gubyerno
|
|
Bawal magkaingin sabi ng montero
|
|
Habang ang konsesyon nitong si Morato
|
|
Nagpapatuloy sa pagkuha ng troso.
|
|
|
At ang lalong grabe ay ang mangangamkam
|
|
Hayop na surbeyor at PCng tulisan
|
|
Matapos mangikil tayo’y babantaan
|
|
At walang awa pang ipagtatabuyan.
|
|
|
Kaya’t ang lunas ay ang pagkakaisa
|
|
Humawak ng baril tayo’y makibaka
|
|
Ipagtanggol natin lupang sinasaka
|
|
At ang pang-aapi’y ating wakasan na.
|
|
|
Sa tulong ng hukbo, gabay ng Partido
|
|
Pakikibaka ay susulong, lalago
|
|
Pagsasamatala ay maigugupo
|
|
At ang tagumpay ay ating matatamo.
|
|